DOST-NCR, LGU Officials, District Reps, Nagpulong Ukol sa Pagpapalawig ng mga Proyektong Agham at Teknolohiya sa Kalakhang Maynila
Nagsagawa ang DOST-NCR Clustered Area Science and Technology Centers ng sunod-sunod na mga pagpupulong kasama ang iba’t ibang opisyal ng mga lokal na pamahalaan at representatibo ng mga distrito sa kalakhang Maynila noong ika-2 hanggang ika-5 ng Agosto taong kasalukuyan.
Sa mga ginanap na pagpupulong, muling ibinahagi ng DOST-NCR ang mga proyekto, programa, at serbisyong hanay sa Agham at Teknolohiya na maaaring ipatupad sa mga komunidad dito sa rehiyon.
Layunin ng mga programang ito na tugunan ang mga umuusbong na suliranin at isyu ng mga komunidad sa kalakhang Maynila, at mas mapagiting pa ang implementasyon ng mga ito sa tulong ng mga lokal na pamahalaan ng bawat lungsod.
Kabilang sa mga nakausap ng DOST-NCR ay sina Paranaque City 1st District Representative Congressman Edwin L. Olivarez, Taguig City Mayor Maria Laarni Cayetano, Makati City Mayor Mar-len Abigail Binay at Navotas City Representative Congressman Tobias “Toby” Tiangco.
By: Shaira Rapisora, SCCU