Paglunsad sa Bagong Paranaque City Wharf, Dinaluhan ng DOST-NCR

Author: Shaira P. Rapisora at Anthony I. Dula Published: Aug. 17, 2022

Pinaunlakan ng DOST-NCR, sa pangunguna ni Regional Director Jose B. Patalinjug III, ang paglunsad ng bagong Paranaque City Wharf “Bulungan” Building sa Brgy. La Huerta, Lungsod ng Paranaque noong ika-16 ng Agosto taong 2022.

Kabilang sa nasabing Paranaque City Wharf building ay ang thermally processed bottled “tahong” in oil facility na pinangunahan ng DOST-NCR. Bilang malaking porsyento ng mga nakukuhang pagkaing-dagat sa lugar ang tahong, nagsagawa ang DOST-NCR Food Safety Team ng pagsasanay para sa dalawampu’t isang (21) miyembro ng Paranaque City Environment and Natural Resources Office o CENRO.

Nabigyang diin ng pagsasanay na ito ang mga mahahalagang hakbang ukol sa paggawa at pagproseso ng thermally processed bottled “tahong” in oil at “Tahong Adobo sa Gata”.

Layunin din nito na makapagbigay ng karagdagang hanapbuhay para sa mga mangingisda, sampu ng kani-kanilang pamilya, at maging sa iba pang mga residente sa Brgy. La Huerta na may interes sa paggawa ng mga nasabing produkto.

Pinangunahan nina Congressman Edwin L. Olivarez ng unang distrito ng Paranaque, at Hon. Eric L. Olivarez, Alkalde ng Lungsod, ang paglunsad sa Paranaque City Wharf.

Similar Posts