IMG-LOGO
IMG

Mga Bagong Opisyales ng SIKAT sa DOST-NCR, Nanumpa



Pinangunahan ni Regional Director Jose B. Patalinjug III ang pormal na panunumpa ng mga bagong-halal na opisyales ng kauna-unahang DOST-NCR SIKAT o Samahan para sa Ika-uunlad ng Kawani ng Agham at Teknolohiya chapter noong ika-10 ng Agosto taong kasalukuyan.

Sa nagdaang mga taon, ang SIKAT ay nagsisilbing organisasyon na katuwang sa pangangala ng kapakanan ng mga empleyado ng DOST.

Kabilang sa mga naitalagang opisyales ay sina: G. Mark Anthony Estores (Accountant III), Presidente; G. Arjay Rasco (Science Research Specialist II), Bise-Presidente; Bb. Blaise Mansueto (Science Research Specialist II), Kalihim; Gng. Vanessa Bartolome (Administrative Officer V, Budget Officer), Ingat-Yaman; Bb. Jennifer Queddeng (Science Research Specialist II), Gng. Marian Bagtas (Administrative Officer V, HR Head) at Bb. Roquita Bernaldez (Administrative Officer V, Cashier) bilang Lupon ng mga Direktor.

Sa kasalukuyan ay mayroong walumpo't dalawang (82) empleyado ang DOST-NCR. Inaasahan na sa tulong ng nabuong Samahan ay mas maitaas ang antas ng kaalaman at kakayahan ng bawat empleyado ng ahensiya.