RSTW 2026 nagparamdam ng agham sa bawat sektor ng komunidad sa Valenzuela City 

VALENZUELA CITY — Hindi naging ordinaryo ang tatlong araw ng 2026 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTW) na may temang “Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan”, at may sub-theme na “Science, Technology, and Digital Innovation Driving Food Security, Sustainable Energy, and National Resilience”, at ginanap noong Agosto 6 hanggang 8 sa lungsod. 

Habang ilang klase at trabaho ang sinuspinde dahil sa masamang panahon, may mga taong piniling bumiyahe at dumalo sa mga aktibidad ng RSTW. Sa gitna ng ulan, nanatiling bukas ang Valenzuela para sa mga taong gustong matuto, lumikha, makipagtulungan, at makibahagi sa usapin ng agham, teknolohiya, at inobasyon. 

Dito nagsimula ang mas malaking kuwento ng 2026 RSTW: ang agham ay hindi lamang para sa mga laboratoryo, eksperto, o siyentipiko. At kapag inilapit ito sa mga tao, nagiging bahagi ito ng kanilang trabaho, kabuhayan, komunidad, at kinabukasan. 

Sa loob ng tatlong araw, naging malinaw kung paano maaaring maging tunay na bahagi ng buhay ng mga Pilipino ang Science, Technology, and Innovation (STI). 

Valenzuela City: One City, One Shared Purpose 

Bilang host city, hindi lamang naging lugar ang Valenzuela para sa 2026 RSTW. Naging meeting point ito ng iba’t ibang sektor—mula sa national at local government, hanggang sa students, educators, researchers, startups, MSMEs, industry partners, at community groups. 

Dito, inilabas ang science and technology mula sa mga specialized spaces at inilapit sa mga lugar kung saan mas maraming tao ang maaaring makakita, makaranas, at matuto tungkol dito. 

Sa Valenzuela People’s Park, matatagpuan ang mga technology exhibits at Fiesta Bazaar. Sa mga forum at discussions, nagtagpo ang mga eksperto at stakeholders upang pag-usapan ang mga isyung direktang nakaaapekto sa buhay ng mga Pilipino. Sa mga kompetisyon, binigyan ng pagkakataon ang kabataan at young professionals na gamitin ang kanilang creativity at skills upang makabuo ng sariling mga ideya at solusyon. 

Ito ang isa sa mga pangunahing layunin ng RSTW—palakasin ang appreciation ng publiko sa STI, hikayatin ang collaboration, at ipakita kung paano makatutulong ang science, technology, at innovation sa food security, sustainable energy, at national resilience. 

Opening Ceremony: Simula ng iisa at sama-samang layunin 

Sa Opening Ceremony, itinakda ang direksyon ng tatlong-araw na selebrasyon. 

Sa Welcome Remarks ni DOST-NCR Regional Director Engr. Romelen T. Tresvalles, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng RSTW sa Valenzuela City bilang isang halimbawa ng kung ano ang maaaring mangyari kapag nagsama-sama ang local government, communities, at science and technology sector. 

Ibinahagi niya ang karanasan ng Barangay Balangkas, kung saan ang mga STI intervention ay nagbigay ng mas maayos na pamamahala ng basura, mga bagong oportunidad sa kabuhayan, mas ligtas at mas matatag na produksyon ng pagkain, at mas mataas na kahandaan sa panahon ng kalamidad. 

“[…] Mula sa isang komunidad na madalas bahain, naging huwaran ito ng resiliency at sustainable development—patunay na kapag nagsama-sama ang lokal na pamahalaan, komunidad, at sektor ng agham at teknolohiya, ang inobasyon ay nagiging tunay na instrumento ng pag-unlad”.  

Sa Opening Message naman, binigyang-diin ni DOST Undersecretary for Regional Operations Engr. Sancho A. Mabborang ang halaga ng tema ng selebrasyon at kung paano ang bawat innovation at solution na naihahatid sa mga komunidad ay higit pa sa simpleng mga pangarap: 

“Every innovation we deploy, every solution we deliver, represents not just dreams or yearnings—they are investments for a future we aspire to achieve for our people, our communities, and our country”

Habang sa Keynote Message, pinagtibay ni DOST Secretary Dr. Renato U. Solidum Jr. kung paano maaaring gawing oportunidad ang mga hamon na kinakaharap ng bansa sa pamamagitan ng anticipatory governance gamit ang STI

“[…] These challenges also present an opportunity—opportunities like [leveraging] science, technology, and digital innovation to transform uncertainty into preparedness, vulnerability into victories, and challenges into pathways for sustainable development growth. Uulitin ko, through science, technology, and innovation, we should not be victims of these various challenges. But we can become victors if we work together and employ [STI], governance, and the bayanihan spirit of collaboration.” 

Kung para sa DOST Secretary, ang STI ay maaaring maging daan upang harapin ang mga hamon ng bansa, para naman sa Valenzuela, ang ganitong pananaw ay may konkretong aplikasyon sa lungsod. Sa kaniyang Message of Support, ibinahagi ni Valenzuela City Mayor Weslie T. Gatchalian kung paano makakatulong ang ipagkakaloob ng DOST na Mobile Command and Control Vehicle (MoCCov) bilang mahalagang katuwang sa panahon ng pagbaha o paglikas, kung kailan nagiging kritikal ang mabilis at maaasahang komunikasyon: 

“Speaking of disasters, speaking of masamang panahon, ang lungsod ng Valenzuela po ay nagpapasalamat sa ibibigay po, [at] ihahandog na Mobile Command and Control Vehicle po ng DOST—talaga pong magagamit natin ito Secretary, sa evacuation center, [at] kung kami po ay binabaha. Alam mo yun, communication is very important sa mga ganyang sitwasyo, when we are in an evacuation center or in a center of a calamity…” 

Sa magkakaibang mensaheng ito, lumitaw ang isang mahalagang punto: hindi kayang gawin ng isang tao o isang institusyon lamang ang inobasyon. Kailangan nito ng government, academe, industry, innovators, communities, at higit sa lahat, ng mga taong gagamit mismo ng teknolohiya. 

Kaya kasabay ng Opening Ceremony ang iba’t ibang project launching at mga ceremonial Memorandum of Understanding (MOU) at Memorandum of Agreement (MOA) signing na naglalayong palawakin ang paggamit at access sa STI. Kabilang dito ang adoption ng GeoRiskPH kasama ang City Government of Valenzuela at PHIVOLCS, Smart and Sustainable Communities Program kasama ang DHSUD-NCR, establishment ng Advanced Manufacturing Center Satellite Laboratories, VirtuHalal beta testing, iFWD PH Global Launching, at Valenzuela Startup Development Program

Sa ganitong paraan, ang RSTW ay hindi lamang naging selebrasyon ng mga teknolohiyang mayroon na. Naging pagkakataon din ito upang bumuo ng mga bagong partnership na maaaring magdala ng mga solusyon sa mas maraming tao. 

Agham na Ramdam para sa bawat sektor ng komunidad 

Kung ang Opening Ceremony ang nagtakda ng direksyon, ang mga sumunod na aktibidad naman ang nagpakita kung ano ang ibig sabihin ng “Agham na Ramdam.” 

Sa loob ng tatlong araw, naging espasyo ang RSTW para sa iba’t ibang sektor na makita kung paano maaaring gamitin ang science, technology, and innovation upang tumugon sa mga pang-araw-araw na pangangailangan at hamon—mula sa kabuhayan at food security hanggang sa environmental concerns, digital innovation, entrepreneurship, at community development. 

Naging bahagi rin nito ang mga kabataan, na binigyan ng pagkakataong ipakita ang kanilang creativity at mga ideya; mga MSME at innovators, na nagbahagi ng kanilang mga produkto at teknolohiya; at mga professionals at community stakeholders, na nakipagtulungan upang maghanap ng mga posibleng solusyon sa mga hamong kinakaharap ng kanilang sektor. 

Sa pamamagitan ng mga forum, technology exhibits, competitions, technology pitching, bazaar, at iba pang activities, ipinakita ng RSTW na ang innovation ay hindi lamang tungkol sa paggawa ng bagong teknolohiya. Mas mahalaga kung paano ito nagagamit, kanino ito nakararating, at anong pagbabago ang naidudulot nito. 

Nagtapos man ang three-day celebration, pero hindi rito nagtatapos ang Agham. Dahil kapag ang STI ay inilapit sa mga tao, hindi na lamang ito konseptong pinag-uusapan sa loob ng mga laboratoryo, opisina, o conference rooms. Nagiging bahagi ito ng kanilang buhay, ng kanilang kabuhayan, ng kanilang komunidad, at ng kanilang kinabukasan. 

At sa loob ng tatlong araw sa Valenzuela, kahit sa gitna ng ulan, ipinakita ng 2026 RSTW na kapag ang agham ay inilapit sa mga tao, hindi lamang ito nakikita at naririnig—ito ay tunay na nararamdaman. Ito ang Agham na Ramdam. 

By: Maji Manel Medenilla of TSS-SCCU

Similar Posts